F //Disable right mouse click Script START //Disable right mouse click Script END

Saturday, August 13, 2005

Komento

Well Junelyn, d ako makapagpost ng comment sau... kaya ikaw na lang star ko sa blog ko na 'to.

Your keen observation regarding typical Pilipino movies was soooo hilarious! Sobrang saya! While I was reading it, clear pictures from the movie scenes are flashing in my head.. wahaha! May contribute lang ako sa blog mo.

Romance:

  • Lovers started as bestfriends/childhood friends.
    Shempre iba - iba pa ang situation nyan:
  1. Childhood friends sila at magkalaro lagi cla bata pa lang sa isang hacienda sa probinsya. Tapos may isa mayaman(kalimitan lalaki ito) isa mahirap(o anak ng katulong o magsasaka sa hacienda)... Ang siste itong mayaman... dahil can afford... aalis at mag aaral sa States or luluwas ng Maynila. Tapos pag mga binata at dalaga na cla... hala! in-love cla sa isa't isa... akalain mo un... amoy araw at lupa ung girl na probinsyana mas preferred pa rin nung guy??? it must be love!
  2. Mag- bestfriends cla... tapos etong girl boyish... parang one of the guys... na sha pa lagi nilalapitan ng guy friend nya(future love team) na ilakad sha sa isang girly girl talaga sa campus... anjan ung mga scene na susuhulan nung guy ung tomboyin para lang ilakad sha... tapos, lagi dn cla magkasama sa outdoor games... habang nagbabasketball cla... ma-ouout of balance itong babae.. tapos may background music na yan na parang chimes, o basta ung parang tunog ng 'spark', ung parang magic... parang tinamaan na lang bigla ung girl ng pana ni cupido... at starting that day.. mag iiba na tingin nya sa bestfriend nya... magmemake-up at magdredress na sha lagi.. at shempre kakantyawan sha nung guy... pero hndi din magtatagal...para na rin shang tinamaan ni cupido. nakita nyo na b to? (Specialty ng Viva ito... Angelu, Sunshine, Jennelyn... pde rin cmula pa ng kapanahunan ni Maricel Soriano 'to!)
  3. Shempre pag nagkakamabutihan na ang dating magbestfriends pero wla pa ding pnagtatapat etong lalaksot... after a date or gimik... ihahatid sa bahay c girl... tapos magpapaalam na...
    Chorus: Guy: "(Name ng girl), may sasabhin ako"
    Girl: "Ano un?"
    Guy: "ah... eh... bye!"/ "ah... eh... good night!"
    Girl: "Ok bye!" / "Ok good night!"
    Repeat Chorus
    At nanakawan ng halik ng guy sabay eskapo... after that etong girl tulala(habang nakahawak sa kanyang lips) at feeling nasa heaven... mantalang ung guy pagkalau sa scene ng krimen(o kaya pagbalik nya sa kotse nya).. saka magsisigaw ng yes yes woohoo!
  4. Meron dng darating na ang mag bestfriend sa moment of truth. Gusto na nilang aminin sa isa't isa ang matagal na nilang natatagong pag ibig para sa isa't isa. Ano kamo ang laging nangyayari??? eh di ano pa... sabay silang magstatart magsalita... matatawa saka sasabihing "You go ahead..." "No, you go ahead" ...."Ladies first"... "I insist"... yang mga ganyang dialogue na nagpapauyuhan pa cla kng cno mauuna eh pareho lang naman cla ng gustong sabhin... wahahaha!
  • Meron din namang nagsisimula sa sungitan at awayan... Tapos marerealize nila na soulmates pla cla. Ung guy and girl magkakaroon ng d magandang moment sa grocery store, restaurant, book store o kahit san pa man. Tapos sa gabi o kinabukasan, magkikita nanaman cla either cnet up na kablind date, friend ng friend, family friend o basta nagkaron cla ng konek. Shempre at first d cla magpapancnan at tuloy pa dn ang asaran.. Pero san b papatungo yan kundi magkakainlaban dn cla, kasi kng hndi matatapos na pelikula. wahaha!
  • Habulan sa airport. Iba-iba dn version nito:
  1. May mga love stories na against all odds ang drama. Mayaman at mahirap ulit. Shempre aalis na ung isa papuntang States (san pa b? may napanood na ba kaung aalis para pumunta sa Cambodia para tumakas sa heart aches??? =P) Tapos etong hahabol, sha malamang ung mahirap... magpapasama sha sa friend nya na may wheels o magtataxi sha... at matratrapik... pero may sa milagroso ang humahabol na to at aabutan pa nya ang girlalu para pigilan.
  2. My Funny Valentine. Eto ung pelikula ni Vic Sotto and Kris Aquino... tuwang tuwa ako dati sa movie na to... sa pahuling part... aalis na c Kris... nakasakay na nga ata sha ng airplane at tumatakbo na take note... c Vic humahabol at pnapara ang airplane... tumigil naman.. swerte! cgurado akong may mga comedy movies pang may kagaya nito.
  3. Isa pa... may lover na humahangos sa airport para pigilan ang kanyang true love sa pagalis... tapos pagdating nya sa airport.. ayun saktong nagtetake-off na ang plane... kawawa naman sha.. sa lungkot shempre napatungo.. akalain mo.. pagtunghay nya... andun sa harap nya ang hnahabol nya at d tumuloy umalis... ang saya nila! hahaha! meron pang isa... kundi man pagtunghay... pagatalikod nya para umalis na sa airport... dun nya makkta na tnitingnan sha ng hnahabol nya... wahaha!

***Alam na alam na pelikula lang to e noh! kasi cno b namang basta basta lang papapasukin sa NAIA hanggang sa may boarding ha... para lang habulin ang isang tao... malamang kng gawin mo yan sa totoong buhay... kukuyugin ka ng guardya at mapapagkamalan kang terorista with all the hangos and takbo on the side db? hehehe...

  • And kapag tapos na ang lahat ng kaguluhan at inlove na inlove na cla sa isat isa. Meron clang out of town trip, kalimitan sa baguio, tagayatay o basta maganda scenery, tapos ayan na... ang background na eh ung soundtrack ng movie (na kalimitang movie title din). Pasweet sweet... may picnic, habulan sa mga trees, pde rin tampisaw sa river, horse backriding, etc...)

Ganyan talaga eh.... mga love stories para ientertain tau... kaya lang pag minsan nagging comedy na cla.. kasi sobrang alam mo na mangyayari... pero na-achieve pa dn naman ung goal nila eh... na-entertain tau! Kaya kahit anong mangyari...

TANGKILIKIN ANG PELIKULANG PILIPINO!!!

3 Comments:

At 8/13/2005 11:39 PM , Blogger june said...

Thank you Khriz, for making me a star! =P Pede ka na dun mag-post ng comment sa blog ko inayos ko na yung settings hehehe. O well, Mabuhay ang Pelikulang Pilipino!

 
At 8/14/2005 2:36 AM , Blogger khrizzy said...

You're welcome June! wahaha! hmnnn nagcocomment ako sa sarili kong post... wahaha!

 
At 8/15/2005 11:51 AM , Anonymous Anonymous said...

hi khriz! korek ka jan... shempre jologs din ang lola mo at napi-picture ko yang mga eksena sa movies nina juday, jolina at claudine while reading this entry. Idagdag ko lang, shempre bawat romantic movie sa pinas, kahit gaano pa ka-simple ang buhay eh lalagyan ng conflict... pinaka mababaw na conflct na napanood ko ung sa nine mornings. Nweiz, may time din na di sila makatulog sa gabi tapos nasa terrace ung girl ung lalake nasa kwarto nya tapos sabay sila nagre-reminisce ng mga moments nila sa tagaytay, sa park, sa school at kung saan saan pa with the movie theme song as their background music. sounds family? sige, KEEP it IT up! =)

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home